Bobbi Kristina Brown, patay na

ap photo
AP photo

Namatay na ang anak ng namayapang singer na si Whitney Houston na si Bobbi Kristina Brown sa idad na 22 taon.

Si Bobbi Kristina ay namatay sa Peachtree Christian Hospice sa Duluth Georgia matapos ma-comatose ng ilang buwan.

Sa isang statement, sinabi ng pamilya Houston na “She is finally at peace in the arms of God. We want to again thank everyone for their tremendous amount of love and support during these last few months.”

January 31, 2015 nang matagpuan ang dalaga sa bathtub ng kanyang bahay sa Roswell, Georgia. Dinala siya sa Emory University Hospital sa Atlanta kung saan ilang buwan na nasa “medically induced coma” at hindi na naka-recover pa.

Mula sa ospital ay inilipat ang pasyente sa isang rehabilitation center hanggang noong June 24 bago tuluyang dalhin sa hospice center.

Si Bobbi Kristina ay ni Houston sa singer na si Bobby Brown./ Jimmy Tamayo

Read more...