‘Gener’ nasa loob na rin ng PAR

 

Dalawa ng bagyo ang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Habang nananalasa ang bagyong ‘Ferdie’ sa Batanes Group of Islands kaninang madaling-araw, pumasok na rin sa teritoryo ng Pilipinas ang bagyong ‘Malakas’.

Sa kanyang pagpasok sa PAR, tinawag na itong bagyong ‘Gener’.

Ayon sa pinakahuling update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong ‘Gener’ sa layong  1,175 kilometers sa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ang bagyo tungo sa direksyong west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 105 kph at pagbugsong nasa 135 kph.

Read more...