Maritoni Fernandez, nagsalita na kaugnay sa pagkamatay ng kanyang kapatid

maritoni
Inquirer file photo

Nagsalita na ang aktres na si Maritoni Fernandez kaugnay sa pagkamatay ng kanyang kapatid madaling araw ng Linggo.

Natagpuang wala nang buhay ang babaeng kapatid ni Maritoni na si Ma. Aurora Moynihan sa bangketa sa Quezon City.

Mayroon tama ng bala ng baril sa dibdib si Moynihan at nag-iwan pa ng karatula sa katawan nito ng “Drug pusher ng mga celebrities, kasunod na kayo!”

Sa inilabas na pahayag ni Maritoni, sinabi ng aktres na nakikiusap siya sa publiko na irespeto ang kagustuhan nila na tumahimik muna sa nasbaing pangyayari.

Igagalang aniya nila ang anumang imbestigasyon na gagawin ukol sa sinapit ng kanyang kapatid at hindi muna sila magbibigay ng mga pahayag hanggang sa matapos ang pagsisiyasat.

Sinabi rin ni Maritoni na prayoridad ngayon ng kanilang pamilya ang maalagaan ang mga naiwang anak ng kanyang kapatid.

Bagaman nagpapatuloy ang pag-iimbestiga ng pulisya sa nasabing kaso, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang suspek sa pagkamatay ng kapatid ng aktres.

Read more...