‘Ferdie’ nag-landfall sa Itbayat, Batanes

 

Mula sa PAGASA

Nag-landfall na sa Batanes ang bagyong ‘Ferdie’.

Sa 1 AM update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong ‘Ferdie sa Itbayat, Batanes, dakong alas 12:15 ng madaling-araw.

Nananatiling nasa ilalim ng public storm warning signal number 4 ang naturang lalawigan dahil sa epekto ng bagyo.

Dala ng bagyong ‘Ferdie’ ang lakas ng hangin na aabot sa 220 kilometers per hour at pagbugsong nasa 255 kph.

Dakong alas 7:00 kagabi, nakaranas na ng malawakang power outage ang Batanes dahil sa epekto ng bagyong Ferdie.

Kanselado naman ang klase ngayong araw sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyo.

Preschool to high school naman ang class suspension ngayong araw sa Ilocos Norte.

Read more...