Kabilang sa mga nakuha ng mga cyber attackers ang maraming confidential medical data ng maraming mga manlalaro at ipinakalat ito sa internet.
Ayon sa WADA, iligal na na access ng Russian cyber-espionage group operator na nagtatago sa alyas na ‘Tsar Team’ ang kanilang Anti-Doping Administration System (ADAMS) na nakalaan sana bilang database ng kanilang mga manlalaro na lumahok sa Rio Olympics.
Matatandaang muntikan nang hindi makalahok sa Rio Games ang mga manlalaro mula sa Russia makaraang irekomenda ng WADA na i-ban ang buong Russian delegation matapos madiskubre ang paglabag umano sa anti-doping regulations ng mga manlalaro.
Mariing kinondena ng WADA ang naturang cyber-attack.