‘Parangal Dance Company’, nagpakitang-gilas sa Portugal

 

Inquirer.net/contributed photo

Pinabilib ng San Franciso-based na Pinoy folk dance group na ‘Parangal Dance Company’ ang mga sumaksi sa Folkfaro International Dance Festival na ginanap sa  Algarve, Portugal.

Ang naturang okasyon ay pinangasiwaan ng International Council of Organizations of Folklore Festivals and Fol Arts sa Portugal.

Pitong grupo ang nakilahok sa event kabilang na ang mga kinatawan mula sa Germany, Brazil, Georgia, Kenya, Portugal at France.

Gayunman, nanguna ang grupo ng mga Pinoy sa mga participants na nagpakita ng kanilang galing sa pagsasayaw ng mga folk dances.

Kabilang sa mga ipinakitang sayaw ng Parangal Dance Company ay mga folk dance mula sa Cordillera Region, Mindanao at Central Luzon.

Nagpakita ng husay ang mga ito sapagsasayaw ng Yakan, Tausug, Maguindanao, Gaddang, at Kalinga.

Bukod sa pagpi-perform sa Portugal ng sampung araw, nag-ikot din ang grupo at nagpakita ng kanilang talent sa southern Spain kamakailan.

 

 

 

 

Read more...