Pinoy crew, patay sa aksidente sa pinakamalaking luxury liner

 

Inquirer file photo

Nasawi ang isang Pinoy na crew sa isang freak accident sa pinakamalaking cruise ship sa buong mundo.

Sa ulat, nagtamo ng pinsala sa kanyang ulo at katawan ang 42-anyos na hindi pinangalanang Pinoy at apat na iba pang crew ng ‘Harmony of the Seas’ cruise ship habang nakadaong ito sa southern France.

Ayon sa deputy mayor ng Marseille na si Julien Ruas, nakasakay ng lifeboat ang limang crew ng barko nang maputol ang lubid nito at bumagsak ng 35 talampakan sa tubig.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang dahilan kung bakit naputol sa  pagkakatali ang lifeboat.

Ginagamot naman sa ospital ang apat pang crew ng barko sanhi ng aksidente.

Ang ‘Harmony of the Seas’ ang itinuturing na pinakamalaking cruise ship sa kasalukuyan na may haba na 362 meters.

Nitong nakaraang Mayo lamang pinasinayaan ang naturang barko.

Read more...