Unang panalo sa 2016 FIBA Asia Challenge, nasungkit ng Gilas Pilipinas matapos talunin ang Kazakhstan

sports
Inquirer file photo

Nasungkit ng Gilas Pilipinas ang kauna-unahang panalo sa 2016 FIBA Asia Challenge matapos talunin ang Kazakhstan.

Ginanap ang laban sa Azadi Basketball Hall sa Tehran, Iran.

Sa iskor na 98-86, napataob ng Gilas ang Kazakhstan at nakabawi sa pagkatalo sa China kagabi.

Pinangunahan ng dating Far Eastern University star na si Mac Belo ang nasabing laban kung saan nakapagtala ito ng 10 points, 11 rebounds, 3 assists at 2 steals.

Nakapagdagdag din ng 12 points si Russel Escoto habang 17 markers at 4 dimes naman ang naitala ni Ed Daquioag.

Sa simula pa lang ng laban ay lamang na agad ang Gilas hawak ang 25-10 score lead.

Bagaman sinubukan ng Kazakhstan na maka-ungos, hindi naman nagpatinag ang Pilipinas sa kanilang lamang hanggang sa matapos ang laban.

Bukas ang huling laban ng Gilas kung saan makakatunggali nito ang Jordan.

Read more...