Panukalang postponement ng Brgy at SK elections, aprubado na sa 3rd reading sa Kongreso

congress1Aprubado na ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukala para sa pagpapaliban ng halalang pang Barangay at Sangguniang Kabataan.

Sa nominal voting ng mga kongresista, 218 ang bumoto ng yes sa postponement ng dalawang halalan, 4 naman ang bumoto ng no.

Batay sa naaprubahang panukala ng Kamara, ang pagdaraos ng SK at Barangay elections ay inililipat na sa ikaapat na Lunes ng Oktubre ng susunod na taon.

Pero matapos ito, ang mga susunod ng SK at Barangay elections ay gaganapin na tuwing ikadalawang linggo ng Mayo.

Dahil sa postponement, palalawigin ang termino ng mga kasalukuyang barangay officials hanggang sa maidaos ang eleksiyon sa 2017.

Posibleng maiaakyat agad sa Malakanyang ang aprubadong panukala para malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala namang inaasahang pagkakaiba ang bersiyon dito ng Senado at Kamara.

Read more...