Bagyong Ferdie, bumilis ang galaw; Signal No. 4 nakataas pa rin sa Batanes

PAGASA 5PMBumilis ang galaw ng bagyong Ferdie habang patungo sa Bashi Channel.

Ayon sa pinaka latest na weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyong Ferdie sa 165 kilometers east ng Basco, Batanes habang patuloy na tinatahak ang direksyong west northwest sa bilis na 24 kilometers per hour.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 215 kph at pagbugso na 250 kph.

Dahil dito, nananatiling nakataas ang Signal Number 4 sa probinsya ng Batanes habang Signal Number 3 naman sa Babuyan Group of Islands.

Itinaas naman ang Signal Number 2 sa Ilocos Norte, Apayao at Northern Cagayan habang Signal Number 1 sa Northern Isabela, Kalinga, Abra, Northern Ilocos Sur at natitirang bahagi ng Cagayan.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ferdie sa Huwebes habang papasok naman ang bagong bagyo sa PAR na papangalanang “Gener” bukas, araw ng Miyerkules.

Read more...