Pulis at isa pang kasama, patay sa pananambang sa Batangas

crime-scene-e1400865926320Patay ang isang pulis at isa pang kasama nito matapos tambangan nang hindi pa nakilalang mga suspek sa Tuy Batangas.

Ayon kay Batangas Police Director Senior Supt. Leopoldo Cabanag, sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin ng tatlong nakasakay rin sa motorsiklo alas 6:50, Martes ng umaga.

Dead-on-the-spot si PO3 Pedro Oronico habang ang kasama nitong si Arjohn Gonzales ay nasawi habang dinadala sa Western Batangas Medical Center.

Inaalam na ang motibo ng mga suspek at nagsasagawa na ng follow up operations para sa ikadarakip ng mga ito.

 

 

 

Read more...