Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 340 kilometers East Southeast ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 215 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 250 kilometers kada oras.
Bahagya naman itong bumilis at ngayon ay kumikilos na sa 23 kilometer per hour sa direksyong West Northwest.
Nakataas na ang public storm warning signal number 4 sa Batanes Group of Islands at nagbabala ang PAGASA ng storm surge dalawa hanggang tatlong metro na storm surge sa mga baybaying dagat.
Signal number 3 naman sa Babuyan Group of Islands; signal number 2 sa Ilocos Norte, Apayao at Northern Cagayan at signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Northern Isabela, Kalinga, Abra at Northern Ilocos Sur.
Ayon sa PAGASA, maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang nasabing bagyo sa loob ng 600 kilometer diameter nito.
Bukas ng gabi o kaya ay sa Huwebes ng umaga ito inaasahang lalabas ng bansa.
Habang nagbabanta pa rin ang kasunod nitong bagyo na may international name na Malakas at papangalanang Gener kapag nakapasok na sa Philippine Are of Responsibility.