Main office ng Pizza Hut nilusob ng mga sinibak na empleyado

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Nagkaroon ng tensyon sa Araneta Center sa Cubao Quezon City, matapos na tangkain ng mga nasibak na empleyado ng Pizza Hut na lusubin ang main office ng nasabing fast food chain.

Aabot sa 200 mga sinibak na empleyado ng Pizza Hut ang nagtipon-tipon bitbit ang mga placard at kinokondena ang pagtanggal sa kanila sa trabaho.

Pawang mga rider at cashier ang karamihan sa mga nasibak na empleyado.

Ang Pizza Hut ay pag-aari ni Jorge Araneta na tiyuhin ni dating DILG Sec. Mar Roxas.

Ayon sa mga nasibak na empleyado, pinaburan ng National Labor Relations Commission o NLRC ang hiling nila na ideklara silang mga regular na empleyado na ng nasabing fast food chain.

Pero sa halip na sundin ng pamunuan ng Pizza Hut ang utos, sinibak pa sila sa trabaho noong buwan ng Agosto.

Nais ng mga nagprotestang empleyado na maibigay sa kanila ang nararapat na benepisyo na kailangan nilang matanggap.

 

Read more...