Mga byahe tungong Pilipinas, kabilang sa “world’s most affordable”

 

Bukod sa magagandang tanawin, isa pa sa mga dahilan para bisitahin ang Pilipinas ay dahil sa pagiging mura ng pamasahe papunta dito.

Ito ay base sa resulta ng survey na isinagawa ng kiwi.com na isang online travel agency na nagbibigay ng mga matitipid na flight itineraries sa kanilang mga customers.

Ayon sa 2016 Aviation Price Index ng kiwi.com, nasa ika-9 na pwesto ang Pilipinas sa 75 bansang nagaalok ng “best value flights.”

Nanguna sa listahan ng pinakatipid ay ang India, habang ang may pinakamahal naman na flights ay ang United Arab Emirates.

Pinag-aralan sa nasabing survey ang mahigit isang milyong international at domestic na biyahe.

Para makuha ang ranking, kinuha nila ang account fares per 100 kilometers of travel, depende sa budget airline at legacy carrier trips upang makuha ang kanilang “average” figure.

Pasok sa top 10 ang Pilipinas sa nag-aalok ng value flights na may average na $7.76 per 100 kilometers of travel.

Base rin sa survey na ito, ang average low-cost airline fare para sa mga domestic routes ay nasa $5.23 per 100 kilometers, habang $8.26 naman sa legacy carriers, tulad ng Philippine Airlines.

Para naman sa international flights, $3.93 ang sa low cost airlines at $13.61 sa legacy airlines per 100 kilometers.

Sa India naman, ang average flight cost ay nasa $3.25 per 100 kilometers of travel, habang sa UAE ay nasa $105.71 per 100 kilometers of travel.

Read more...