Dating British PM Cameron, nagbitiw na rin bilang mambabatas

 

Tuluyan nang winakasan ni dating British Prime Minister David Cameron ang kaniyang karera sa pulitika, matapos niyang opisyal na lisanin ang kaniyang pwesto sa parliyamento.

Nagsabi na rin si Cameron kay Prime Minister Theresa May tungkol sa kaniyang desisyon na bitiwan na ang pagiging kinatawan ng Oxfordshire, para na rin bigyang daan ang sinumang kayang pagtuunan ng pansin ang nasabing lugar.

Ayon kay Cameron, matagal niya na itong pinag-isipan, at nag-desisyon siyang ang tamang gawin ay ang pagbaba niya bilang member of the parliament (MP).

Paliwanag ni Cameron, para sa kaniya ay imposibleng magampanan niya ng matiwasay ang pagiging MP o mambabatas bilang isang dating prime minister.

Sa palagay niya aniya, magiging isang malaking distraction lang siya sa kung ano ang dapat gawin ng pamahalaan para sa kanilang bansa.

Matatandaang nag-resign si Cameron bilang prime minister noong Hunyo matapos bumoto ang 52 percent ng mga Briton para lisanin ang European Union.

Read more...