Gastos ng pangulo sa nagdaang foreign trips, isasapubliko ng Malacañang

 

Nakahanda ang Palasyo ng Malacanang na isapubliko ang halaga ng nagastos ng pamahalaan sa pagdalo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit sa Laos, pati na sa working visit sa Indonesia noong nakaraang linggo

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, inaalam na niya ngayon sa Office of the President sa kung magkano ang inabot ng ginawang foreign official trip noong isang linggo.

Dagdag ni Sec. Andanar, makikipag-ugnayan din siya sa ibat- ibang departamento na nakasama sa ASEAN summit at Indonesian trip para malaman kung magkano ang inilabas na budget ng mga ito kasama na ang PCO.

Paliwanag ni Andanar, kani-kaniyang sagot kasi ng mga department offices ang nangyari kaugnay ng apat na araw na foreign official event, kasama na dito ang food expenses, hotel accommodation at iba pang gastusin.

Pagbibigay diin ng PCO chief, ang hakbang na malaman ng publliko ang gastos ng gobyerno sa ganitong mga official event ay bahagi ng transparency ng administrasyon sa gitna ng pangako at paglaban nito sa katiwalian.

Read more...