Submachine gun, TV, ilan lamang sa mga kontrabandong nakumpiska sa dating selda ni Peter Co sa Bilibid

 

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Nakasamsam ang mga miyembro ng Special Action Force ang isang submachine gun at ilan pang matataas na kalibre ng baril sa loob ng dating dormitory ng convicted drug lord na si Peter Co sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.

Nabatid na sa Quadrant 4 Dormitory 2-B ng Bilibid dating nakakulong si Co bago siya ilipat sa National Bureau of Investigation matapos madiskubre sa isang raid na nakapagpasok ito ng appliances, matataas na kalibre ng baril at mga gadget sa naturang dormitory.

Mula NBI naman ay inilipat si Co sa Building 14 ng Bilibid na kilalang lugar para sa mga high risk inmates.

Ayon sa SAF, kabilang sa iba pang nakumpiskang baril sa dating dormitory ni Co ay ang tatlong .45 caliber, isang 9 mm caliber at isang flat screen television.

Bukod dito, nasamsam din ng SAF sa ilan pang quadrant ng Maximum Security Compound ng NBP ang ilang sachet ng shabu, drug paraphernalia at mobile phones.

Matatandaan na noong July, kinilala ni Solicitor General Jose Calida si Co na kabilang sa mga drug lord na may koneksyon sa dating police general.

Read more...