I-ACT magpupulong para bumuo ng solusyon sa mabigat na trapiko

 

Inquirer file photo

Tatlong araw na magpupulong ang mga ahensya ng gobyerno na kasama sa Interagency Council on Traffic (I-ACT) upang makabuo ng mga programang reresolba sa lumalalang problema ng trapiko.

Ayon kay Philippine National Police-Highway Patrol Group (HPG), magsisimula ito sa Miyerkules at gaganapin sa National Center for Transportation Studies sa University of the Philippines.

Isa aniya sa posibleng imungkahing solusyon sa pulong ay ang pagpapatupad ng odd-even scheme sa mga lansangan upang mabawasan ang volume ng mga sasakyan.

Sa una nitong pagpapatupad noong 1990s, ipinagbabawal sa odd-even scheme ang pagbiyahe ng mga pribadong sasakyan na may mga plakang nagtatapos sa odd numbers pagsapit ng 5:00 p.m.-7:00 p.m. tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, habang ang even numbers naman ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Una naman nang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Tim Orbos na bukas siya sa panunumbalik ng odd-even scheme, ngunit kailangan pa rin aniyang siyasatin ang bigat ng problema ng trapiko ngayon sa Metro Manila.

Base sa datos ng MMDA, ang vehicle volume sa EDSA ay lumampas na sa carrying capacity nito na 6,000 vehicles per hour, dahil noong July lamang, nakapagtala na sila ng 7,500 vehicles per hour per direction sa nasabing kalsada.

Read more...