Bagyong Ferdie, lumakas pa; signal #1 nakataas sa 4 na lugar sa Luzon

Lalo pang lumakaas ang Bagyong Ferdie habang kumikilos sa bahagi ng extreme Northern Luzon.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Ferdie sa layong 870 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Lumakas pa ang bagyo at taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 210 kilometers kada oras. Kumikilos ang ito sa bilis na 22 kilometers kada oras sa direksyong West Northwest.

Nakataas na ngayon ang public storm warning signal number 1 sa Cagayan, Apayao at sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ayon sa PAGASA, maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang bagyong Ferdie sa loob ng 500 kilometer diameter nito.

Bukas ng umaga inaasahang nasa bahagi ng 425 km East ng Aparri, Cagayan ang bagyo at nasa 105 km West Southwest ng Basco Batanes sa Miyerkules.

Sa Huwebes ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

 

Read more...