Ang pagbati ay inihayag ni Brig. Gen. Arnel dela Vega, commander ng Joint Task Force Sulu (JTFS) sa isang misa sa blessing ng bagong tayong ospital sa Camp Bautista, sa Sulu.
Ayon kay dela Vega, malaki ang maitutulong ng bagong ospital sa pagligtas ng buhay ng mga sundalong nasusugatan sa labanan at paghahatid ng serbisyo medikal sa kanilang mga pamilya habang sila ay naka-istasyon sa Sulu.
Batay sa pinakahuling datos ng militar, 27 sundalo ang nasugatan at 15 ang napatay sa patuloy na pagtugis ng militar sa bandidong Abu Sayyaf sa Sulu habang isang sundalo naman ang sugatan at 3 naman ang napatay sa Basilan.
Sa panig ng Abu Sayyaf, 32 ang napatay sa Sulu at 27 naman sa Basilan para sa kabuang 59 na nasawi.
Kasabay nito, nananalangin at umaasa si Dela Vega para sa isang mapayapang pagdiriwang ng Eid’l Adha, at nanawagan sa mga residente ng Sulu na makipagtulungan sa pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng miyembro ng komunidad.
Sa kabila naman ng paggunita ng Eid’l Adha ay tuloy ang operasyon ng militar laban sa Abu Sayyaf.
Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson, Maj. Filemon Tan, inirerespeto ng AFP ang selebrasyon ng mga Muslim sa Eid’l Adha, habang tuloy ang operasyon at pagtugis sa bandidong grupo.