MMDA hindi bubuwagin sakaling maipatupad ang emergency powers sa traffic

 

Inquirer file photo

Pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga lumalabas na ulat na bubuwagin na sila oras na mabigyan na ang pangulo ng emergency powers para resolbahin ang problema sa trapiko.

Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, hindi ito totoo at walang dapat ikabahala ang kanilang mga empleyado.

Sa halip aniya ay dapat na asahan pa ng mga empleyado ang mas malakas at mas mabuting MMDA oras na maaprubahan ang panukalang emergency powers na ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Layon ng panukalang ito na bigyan ng kapangyarihan ang pangulo para agad na mabigyang solusyon ang lumalalang problema ng trapiko hindi lang sa Metro Manila, kundi sa iba pang lugar sa bansa na nakakaranas nito.

Read more...