Hiniling ng isang marine expert na pansamantalang isantabi na ng mga bansang nag-aagawan ng teritoryo sa South China o West Philippines Sea para sa kapakanan ng coral reefs sa Scarborough o Panatag shoal.
Ayon kay John Mcmanus, isang marine scientist mula University of Miami, itinuturing na isa sa pinakamaganda at produktibong coral reef sa buong mundo ang matatagpuan sa Panatag shoal.
Paliwanag ni Mcmanus na nasa Palawan ngayon upang isulong ang pagtataguyod ng peace park sa Spratlys, malalagay sa alanganin ang plano ng China na magtayo ng artificial island sa Panatag shoal.
Sisirain aniya ng todo ng naturang plano ang marine ecosystem sa lugar.
Sa Spratlys aniya, hindi na maibabalik ang pinsalang idinulot ng mga artificial islands ng China at malaki ang posibilidad mangyari rin ito sa Panatag.