5 ‘rent-tangay’ suspek patay sa encounter sa Pangasinan

 

Dead on the spot ang limang pinaghihinalaang mga miyembro ng isang carnapping group  matapos umanong makipagbirilan sa mga pulis sa Urdaneta City, Pangasinan Linggo ng umaga.

Ayon kay Pangasinan police director Senior Supt. Ronald Oliver Lee, lulan ang mga suspek sa isang nakaw na kotse nang sila ay parahin ng mga otoridad check point sa Barangay Nancalobasaan ganap na alas- 2:30 ng umaga.

Gayunman, hindi umano huminto ang mga ito at nakipagpalitan pa ng putok sa mga otoridad.

Hinala ng mga otoridad, posibleng sangkot sa ‘Rent-Tangay’ ang grupo kung saan sapilitang tinatangay ng mga ito sa sasakyan ng mga biktim at pinapatay ang may-ari o driver nito.

Noong nakaraang taon, dalang biktima ng ‘rent-tangay’ ang itinapon sa Manaoag at Binalonan.

Narekober mula sa kotse ng mga suspek ang apat na caliber .45 pistol, uniporme ng pulis at pinaghihinalaang shabu.

Wala pang kaanak ang lumulutang upang kilalanin ang mga napaslang na miyembro ng grupo.

Read more...