Paliwanag ni Heydarian, dahil sa malinaw na para sa Amerika na hindi nito makukuha ang suporta sa Duterte administration, magmimistula nang ‘new normal’ ang relasyon ng dalawang bansa.
Bukod pa ito sa pahayag ni Duterte na nais nitong magkaroon ng independent foreign policy ang Pilipinas, na kilala bilang isang pro-American society.
Matatandaang kinansela ni Obama ang kanilang bilateral meeting ni Duterte matapos ang pagmumura nito sa kanya, bagay na itinanggi ng pangulo.
Hindi na rin nakapag-usap sa ASEAN meeting ang dalawa hanggang sa magtapos ang ASEAN summit sa Laos.