2 hinihinalang salvage victims, natagpuan sa Camarines Norte

 

Dalawang bangkay ng hinihinalang mga biktima ng summary execution ang natagpuan sa Camarines Norte.

Unang natagpuan sa Brgy. Tabugon sa Sta. Elena, Camarines Norte ang bangkay ng isang lalaking ayon sa mga pulis ay dating barangay kagawad noong Sabado.

Ayon sa pulisya, nagtutulak ng droga ang nasabing lalaki.

Samantala, natagpuan naman ng mga otoridad ang bangkay na kinilalang kay Jason Jose Magdatu, na tadtad ng tama ng bala at saksak ang katawan sa parehong lugar kagabi.

Natagpuan rin malapit sa bangkay ni Magdatu na taga-Calauag, Quezon, ang isang karatulang may nakasulat na “pusher wag tularan,” isang sachet ng shabu at P500.

Hinala pa ng mga otoridad, posibleng Sabado pa ng gabi o Linggo ng umaga pinatay si Magdatu.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa Calauag, pero nilinaw nila na wala sa kanilang drug watch list si Magdatu.

Read more...