‘Ferdie’ isa nang ‘typhoon’, mananatili sa PAR hanggang Huwebes

 

Lumakas pa at isa nang ‘typhoon’ ang bagyong Ferdie.

Ang bagyo ay pumasok sa loob ng PAR Linggo ng hapon at inaasahang mananatili hanggang Huwebes.

Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 1,280 kilometro sa silangang bahagi ng Casiguran, Aurora at inaasahang tatahak sa direksyong west northwest sa bilis na 22 kilometers per hour.

May lakas ang bagyo na 120 kph malapit sa gitna at pagbugso na 150 kph.

Dahil sa epekto ng bagyo, makararanas ng maulap hanggang maulang panahon ang mga lugar ng Mindanao, Eastern Visayas at Palawan.

Maulap na may tsansa ng pagkulog-pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila at kalapit probinsya.

Read more...