Kuryenteng ‘seating plan’ sa ASEAN, inako ni Andanar

 

Inako ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang responsibilidad sa inilabas na ‘seating plan’ sa katatapos na ASEAN summit sa Laos, kung saan dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak pa ni Andanar na may imbestigasyon na isasagawa hinggil dito.

Ani Andanar, bilang media person ay nauunawaan niya ang epekto ng maling balita at hindi ito maganda.

Pero itinanggi ni Andanar na nagbigay siya ng go-signal sa paglalabas ng ulat.

Matatandaang na sa isang press release na isinulat ng  President News Desk, katabi raw ni Presidente Duterte sa ASEAN gala dinner sina US President Barack Obama at United Nations Secretary General Ban Ki-Moon.

Ang istorya ay kinuha ng local at international media, subalit sa mismong dinner ay ibang mga lider ang katabi ni Pangulong Duterte at sila’y sina Russian President Dmitry Medvedev at Indonesian President Joko Widodo.

Bunsod nito, umani ng batikos ang opisina ni Andanar dahil sa paglalabas ng umano’y maling impormasyon.

Read more...