Pangulong Duterte maagang nagpaabot ng pagbati sa Eid’l Adha

 

Inquirer file photo

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Dutere sa Filipino Muslim community na ipagdiriwang ang Eid’l Adha bukas, September 12.

Sa kanyang mensahe na inilabas ngayong araw, pinasalamatan ng Presidente ang mga Filipino Muslim na sumusuporta sa gobyerno at usapang pangkapayapaan, lalo na ang mga hakbang para matamasa ang pag-unlad sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa Pangulo, ang naturang okasyon ay isang paalala ng ‘virtues’ na nagpapalakas sa pundasyon ng Islam.

“This occasion reminds us of the virtues that strengthen the very foundation of Islam. I join you in commemorating the ultimate obedience and trust of Ibrahim when he submits to sacrifice his son, Ishmael, according to the will of Allah. This occasion truly invigorates our common aspirations and rekindles the true significance of our faith,” mensahe ni Presidente Duterte.

Binigyang-diin pa nito na ipinaaalala rin Eid’l Adha na ang tunay na pagbabago ay nangangailangan ng sakripisyo.

Si Duterte, na kauna-unahang halal na Presidente mula sa Mindanao region, ay nanawagan din ng pagkakaisa sa lahat para sa mga kabataan susunod na henerasyon.

Ang September 12 ay idineklarang national holiday, alinsunod sa Proclamation no. 58.

Read more...