China-Russia drills sa South China Sea, sisimulan na bukas

 

Inquirer file photo

Mag-uumpisa na sa Lunes ang 8-day naval drills ng China at Russia sa South China Sea.

Ang naturang exercises ay gaganapin sa gitna ng tensyon sa naturang teritoryo matapos ang pasya ng arbitration court sa The Hague pabor sa Pilipinas.

Ang tinaguriang ‘Joint Sea-2016’ exercise ay magpapamalas ng surface ships, submarines, fixed-wing aircraft, ship-borne helicopters at marines.

Ayon sa Chinese Navy, ang China at Russia ay magsasagawa ng defense, rescue at anti-submarine operations, maging island seizing at iba pang aktibidad.

Ang Marines ang makikibahagi sa live-fire drills, island defense at landing operations, na sinasabing pinakamalaking operasyon na isasagawa ng dalawang nabanggit na bansa.

Sa naunang anunsyo ng China, ang routine naval exercise ay may layong palakasin ang kooperasyon at hindi raw para targetin o puntiryahin ang anumang bansa.

Ang China at Russia ay kapwa kilalang veto-wielding members ng U.N. Security Council at may magkaparehong posisyon sa malalaking usapin gaya sa krisis sa Syria.

Noong nakalipas na taon, nagsama na rin ang China at Russia sa joint military drill sa Sea of Japan at the Mediterranean.

Read more...