Lola at 11 pang iba, arestado sa anti-drug operation sa Cebu

 

Naaresto ang isang lola at labingisa katao matapos salakayin ng pulisya ang umano’y drug den sa Barangay Carreta sa Cebu City.

Ayon sa Mabolo Police Station, nagbebenta umano si Bening Coliflores ng iligal na droga sa loob mismo ng kaniyang bahay sa Sitio Panaghius.

Narekober sa tirahan ng sisenta y otso anyos na target sa ginawang search operation ang labindalawang libong pisong drug money, ilang pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Itinanggi naman ni Coliflores ang umano’y pagbebenta nito ng droga  ngunit inaming pinaparentahan niya ang kaniyang bahay bilang drug den.

Maliban sa target, arestado din ang labing-isang katao kasama ang umano’y apat na runners ni Coliflores.

Read more...