Ang naturang tropa ng pamahalaan ay nasa pamumuno ni 1st Lt. Lawrence G. Cresencio.
Naganap ang engkuwentro alas onse singkwenta’y singko kahapon ng umaga, ika-dalawampu’t anim ng Hulyo, sa Sitio Camarin, Barangay Napnapan, Pantukan, Compostela Valley.
Ang namatay ay kinilalang si Private First Class Camlon C. Aliso. Base sa ulat ng militar, patungo ang mga tropa sa sitio upang magsagawa ng peace and development initiatives nang maka-engkwentro ang NPA.
Bandang alas dos ng hapon, o pagkalipas ng dalawang oras ng matinding bakbakan, nang tuluyang nakubkob ng militar ang defensive position ng kaaway./Josephine Jaron Codilla