Nurse at kagawad, arestado sa magkahiwalay na buy bust operation sa Taguig at Makati

shabuArestado ang isang nurse sa isinagawang buy bust operation ng Taguig Station Illegal Drugs) o SAID sa F1 Hotel sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

Nakilala ang nasabing nurse na si Kenneth Santillian ay supplier ng mga party drugs sa mga high end bars at clubs sa BGC at Makati.

Narekober sa suspek ang esctacy, marijuana, shabu at liquid shabu.

Kasalukuyang isinasgawa ang inventory sa parking space ng F1 Hotel.

Samantala arestado din sa isang pang buy bust operation ng District Anti-Illegal Drugs ng Southern Police District ang Kagawad na si Jordan Garlan.

Narekober naman mula kay Garlan ang 5, 000 pesos na marked money at shabu sa Barangay Palanan, Makati city.

Si Garlan ay kasalukuyang nanunungkulan bilang Kagawad ng Brgy. 43, Zone 6, sa Pasay City.

Read more...