UV Express, pwede na dumaan uli sa EDSA

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Maari na uling dumaan ang mga UV Express sa EDSA sa ilalim ng ilang kondisyon

Napagdesisyunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tanggalin na ang ban sa mga UV Express sa EDSA matapos ang naging reklamo ng publiko.

Kaugnay nito, nag-isyu ang LTFRB ng bagong kautusan ang Memorandum Circular No. 2016-013 na nagbabago sa naunang MC 2016-009 na ipinalabas.

Ang naunang memorandum circular ay ipinalabas ng ahensya bilang unang hakbang para sa pagpapagaan ng trapiko sa EDSA.

Ang naturang kautusan ay nakatanggap ng madaming negatibong rekasyon mula sa mga operators, drivers at commuters.

Sa ilalim ng bagong direktiba, ang mga UV Express drivers na mula sa timog ng Metro Manila papuntang Makati ay maaring dumaan sa Skyway patungong Park Square terminal at ibang stations sa Makati central business district.

Mula Makati papuntang timog na bahagi ng Metro Manila ay dapat dumaan sa Arnaiz St. papuntang EDSA hanggang sa Magallanes Interchange at palabas sa South Luzon Expressway (SLEX).

Para naman sa mga UV Express mula sa timog ng Metro Manila, Fairview, Pasig, Marikina, and Rizal papuntang Cubao ay pwedeng dumaan sa C5 hanggang sa Aurora Boulevard at vice versa.

Habang ang mga UV mula Pasig, Marikina, and Rizal papuntang Makati ay dapat dumaan sa Kalayaan flyover hanggang Buendia Avenue.

Para naman sa mga umuuwi mula Makati papuntang silangang bahagi ng Metro Manila ay dapat dumaan sa EDSA mula Ayala Avenue at kakanan sa Kalayaan Avenue.

Sa mga UV na mula sa hilagang bahagi ng Metro Manila papuntang SM North at Trinoma sa Quezon City ay pwedeng dumaan sa EDSA mula Balintawak interchange.

Dapat namang magbaba lang ang mga driver ng UV Express ng mga pasahero sa MRT North Station at LRT Muñoz Station lang.

Nanatiling bawal pa rin ang magsakay ang magbaba ng mga pasahero ng UV sa kahabaan ng EDSA.

 

Read more...