Komedyanteng si Joy Viado, pumanaw na sa edad na 51

Inquirer File Photo

Kinumpirma ng isang malapit na kakilala ng komendyanteng si Joy Viado na pumanaw na ito sa edad na 51.

Ayon kayu Annete Lucid, matalik na kaibigan ni Viado, matapos itong atakihin sa puso ay agad itong isinugod sa ospital kung siya binawian ng buhay bandang 8:55 pm.

Si Viado ay napanood sa ibat-ibang palabas sa telebisyon at pelikula kabilang ang box office hit na “Sisterakas” at “Girl, Boy, Bakla, Tomboy”.

Matatandaang na noong 2015 na nanawagan ng tulong si Viado ng tulong para masalba ang kanyang paa mula sa amputation dahil sa komplikasyon sa diabetes.

Read more...