Mga lugar sa Bukidnon, mawawalan ng kuryente

Inquirer File Photo

Maraming Lugar sa lalawigan ng Bukidnon ang mawawalan ng kuryente kung hindi mababayaran ng power utility company sa lugar ang mga obligasyon nito ayon sa isang transmission firm.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Bukidnon Sub-Transmission Corporation (BSTC) sa online ang mga lugar na maapektuhan ng pagkawala ng suplay ng kuryente mula alas dose ng tanghali ng September 15, 2016 ay ang lungsod ng Malaybalay, mga bayan ng Lantapan, Cabanglasan, Impasugong, Sumilao, Manolo Fortich, Malitbog, Libona, Baungon at Talakag kasama ang Barangay. Lilingayon sa Valencia City.

Ang mga nasabing lugar ay bahagi ng franchise area ng Bukidnon Second Electric Cooperative Inc. (Buseco).

Hindi naman idinetalye ng BTSC kung magkano ang kailangan mabayaran ng Buseco.

Kaugnay nito ang buong franchise ng Buseco ay hindi makakatanggap ng suplay ng kuryente mula sa BTSC sub-transmission sa kabuuang panahon ng suspensyon ng naturang serbisyo.

Ang BTSC ay nag-o-operate ng 69-kilovolt sub-transmission system sa lalawigan ng Bukidnon.

 

 

Read more...