Patay ang hindi baba sa 13 katao at higit sa 30 ang sugatan matapos ang dalawang pagsabog sa labas ng isang shopping mall sa central Baghdad, Iraq.
Ang nasabing mga pagsabog ay ang pinakabagong pag atake sa shopping centers sa Baghdad ngayong taon kabilang ang pagkamatay ng mahigit na 300 katao noong July.
Ayon sa mga otoridad, ang isang pagsabog ay mula sa nakaparadang sasakyan habang ang isa naman ay mula sa sasakyang minamaneho ng isang suicide bomber sa labas ng Nakheel Mall.
Ang naturang pagsabog ay nagdulot ng pagkabasag ng mga bintana ng nasabing multi-storey mall at pagkasira ng bakod sa paligid nito.
Wala naming naitalang namatay sa nagging pagsabog ayon kay Interior ministry spokesman Saad Maan.
MOST READ
LATEST STORIES