Sa report ng PDEA regional office 1, ang dalawang suspek ay inaresto sa kalagitnaan ng pot session sa loob ng isang apartment sa barangay Pogo, Dagupan City matapos na makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen.
Kinilala ang dalawa na sina Emmanuel Divine Ugochukwu, 29-anyos at Stephen Samuel Anoruo, 30-taong-gulang na parehong mga estudyanteng mula sa Nigeria.
Nakumpiska mula sa mga ito ang isang plastic sachet ng shabu, limang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at ibat ibang drug paraphernalia.
MOST READ
LATEST STORIES