Update kaso ni Mary Jane Veloso ayaw isapubliko ni Duterte

mary-jane-veloso
Inquirer file photo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang kanilang naging pag-uusap ni Indonesian President Joko Widodo kaugnay sa magiging kapalaran ni Mary Jane Veloso.

Si Veloso ay nahatulan ng kamatayan sa Indonesia makaraan siyang makuhanan ng ilegal na droga sa kanyang maleta.

Paliwanag ng pangulo, kailangan niyang makausap muna ang pamilya ni Veloso para ipaabot ang kanilang napagusapan ni Widodo.

Una rito, sinabi ng pangulo na personal siyang makikiusap kay Widodo para iligtas sa kamatayan ang nasabing Pinay.

Nauna dito ay isasalang na sana sa firing squad si Veloso noong Abril subalit ipinag-paliban ito ng Indonesian government matapos igiit na biktima lamang siya ng isang sindikatop at hindi totoong drug mule.

 

 

 

 

 

Read more...