Nagsimula ang sunog pasado ala-una ng madaling araw at inakyat na ang first alarm ganap na 1:56 a.m.
Umabot sa 4th alarm ang sunog sa loob lamang ng mahigit isang oras, pero naapula rin ito pagdating ng 3:45 ng madaling araw.
Tinatayang nasa P150,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian, at sinasabing nagsimula ang sunog sa bahay ng isang “Michael” sa Kalye 11 sa nasabing barangay.
Iniimbestigahan pa ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang pinaka-sanhi ng sunog.
Sa kabutihang palad wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES