2 sugatan sa pagsabog sa Kidapawan

kidapawan mapHindi bababa sa dalawang katao ang nasugatan sa pagsabog na naganap sa Kidapawan City, Biyernes ng gabi.

Ayon sa hepe ng pulisya ng lungsod na si Supt. Leo Ajero, naganap ang pagsabog sa loob ng Dumacon Compound sa may kahabaan ng Alim Street sa Kidapawan City, dakong alas-7 ng gabi.

Isang cylinder tank ang bigla na lang sumabog habang nagsasalin ang isang tindero ng lobo ng pinaghalong lusaw na aluminum wire at caustic soda dito.

Tatlong bahay ang bahagyang napinsala dahil sa mga tumilapon na debris.

Ani pa Ajero, umabot pa sa 200 metro ang binagsakan ng ibang debris mula sa pinagmulan ng pagsabog.

Read more...