400 pamilya nasunugan sa Maynila

fireTinatayang nasa 200 kabahayan ang natupok sa sunog na naganap sa Barangay 651, Port Area sa Maynila.

Naganap ang sunog dakong alas-8:00 ng gabi ng Biyernes.

Umabot sa task force alpha ang sunog, na nangangahulugang kinailangan pa nila ng mga karagdagang truck ng bumbero mula sa mga kalapit na lungsod.

Nasa 400 pamilya ang naapektuhan ng sunog, habang anim na residente naman ang nasugatan at sa kabutihang palad ay wala namang naitalang nasawi.

Mabilis na kumalat ang sunog dahil gawa sa light materials ang magkakalapit na mga tahanan sa lugar.

Sinasabing aabot sa P6 milyon ang halaga ng napinsala sa sunog na naideklarang under control pasado alas-10:00 ng Biyernes ng gabi.

Read more...