DOH, may payo ukol sa Zika virus sa mga nagbabalak na magka-anak

Zika virusDahil sa banta ng Zika virus, pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga babae na nagbabalak na magbuntis na makipag-usap sa obstetrician-gynecologist.

Sinabi ni Dr. Eric Tayag, ang tagapagsalita ng DOH, mas maganda kung hihingi muna ang mag-asawa ng professional medical advice kung alam naman nila ang maidudulot na birth defects sa mga sanggol ng Zika virus.

Magugunita na kamakailan isang 45-anyos na ginang sa Iloilo City ang nadiskubreng nagtataglay ng Zika virus gayung hindi naman ito bumiyahe sa labas ng bansa.

Bagama’t tuluyan nang gumaling ang ginang, paalala muli ng kagawaran na ang Zika virus ay maaring maisalin sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Giit ni Tayag napakahalaga na kumonsulta muna ang mga mag-asawa sa obstetrician-gynecologist kung isa sa kanila ay nanggaling sa bansa na may mga kaso ng Zika infection.

Read more...