Obispo, pabor na ipagbawal ang contractors sa job fairs

bishop-broderick-pabillo-300x225Sinuportahan ni Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo ang plano na pagbawalan ang mga contractors at sub contractors sa mga job fairs ng Department of Labor (DOLE).

Giit ni Pabillo ito ay para regular na trabaho ang makukuha ng mga naghahanap ng trabaho.

Nauna nang inihayag ni Labor Secretary Silvestro Bello III na ang plano ay para mabawasan ang labor only contracting.

Magugunita na target ng kagawaran na mabawasan ng 50 porsiyento ang kontraktwalisasyon ngayong taon at tuluyan nang mapatigil ito sa susunod na taon.

Sinabi na lang ni Pabillo na siya rin pinuno ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na susubaybayan nila ang pangako ng DOLE.

 

Read more...