Bomb joke driver sa NAIA, aasuntuhin na.

NAIA1Inirekomenda ni Assistant State Prosecutor Philip Dela Cruz ang pagsasampa ng kaso laban sa truck driver na nagbiro ukol sa bomba sa NAIA.

Ayon kay Dela Cruz, kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 ang kahaharapin ni Marlon Soriano.

Aniya maaring makulong si Soriano ng hanggang limang taon at pagmumultahin ng hindi lalagpas sa p40,000.

Magugunita na madaling araw noong Martes nang magbiro si Soriano na may karga siyang bomba habang papasok ng cargo acceptance division ng Cebu Pacific.

Agad na isinailalim sa X-ray ang truck ni Soriano pati na ang mga kargamento ngunit wala naman natagpuan na bomba.

Read more...