Magnitude 5.3 na pagyanig naitala sa North Korea; posibleng dahil umano sa panibagong Nuclear test

EPA AFP Photo
EPA AFP Photo

Nakapagtala ng magnitude 5.3 na lindol sa North Korea ang United States Geological Survey (USGS).

Naitala ang pagyanig malapit sa nuclear test sites ng North Korea, dahilan para magkaroon ng mga spekulasyon na nagsasagawa ng panibagong nuclear test ang Pyongyang.

Kinumpirma din ng European monitoring agency ang naitalang pagyanig sa Nokor.

Magugunitang patuloy ang pagsasagawa ng serye ng nuclear at ballistic missile tests ng North korea simula noong Enero.

 

 

Read more...