Umano’y kapatid ng singer na si Lea Salonga, arestado matapos mahulihan ng ecstacy

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Naaresto ang umano’y half-brother ng singer na si Lea Salonga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 11.

Nakilala ang suspek na si Philip Mendoz Salonga, 37-anyos at isang freelance chef at residente ng Freedom Lane, Interville 2, Sunville Subdivision, Tandang Sora, Quezon City.

Isinagawa ang buy-bust Biyernes ng madaling araw sa isang bar sa Julia Vargas, Pasig City.

Nasabat mula kay Salonga ang 12 ecstasy tablets, tatlong palstik ng pinatuyong marijuana, cellphone at P14,000.

 

 

 

Read more...