4 patay sa sinalakay na drug den sa Quezon City

Tatalon Quezon City
Kuha ni Jong Manlapaz

Apat ang kaagad na nasawi sa ginawang follow-up operation ng Quezon City Police District (QCPD) station 11, sa isang drug den sa Villa Espanya 2, Tatalon Quezon City.

Ayon kay QCPD station 11 commander P/Supt. Christian Dela Cruz, nakatanggap sila ng sumbong na may nagsasagawa ng pot session sa nasabing lugar.

Nang dumating ang mga pulis sa lugar para kumpirmahin ang nasabing sumbong, agad umanong pinaputukan ng baril ang mga rumespondeng otoridad.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis na agad na kinamatay ng apat na suspek.

Kinilala naman ni Alma Hilvano na isa sa apat na nasawi ay ang kaniyang anak na si Richard Hilvano.

Ayon sa ginang, matagal na niyang pinagsasabihan ang kanyang anak hingil sa bisyo nito.

Nakakuha naman ng isang bloke o halos isang kilong marijuana sa lugar, at ilang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Nakuha din ang mga gamit na baril ng mga suspek na isang 45 caliber at tatlong 38 caliber.

Patuloy naman inaalaman pa ng otoridad ang pagkakilanlan ng tatlo nasawi.

 

 

Read more...