Huling namataan ang LPA sa 175 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA pero makapagpapaulan pa rin ito sa Midnanao, Visayas, Bicol Region, MIMAROPA at sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna at Batangas.
Southwest Monsoon naman ang naka-aapekto sa Extreme Northern Luzon.
Samantala, sinabi ni Estareja na isa pang LPA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang posibleng maging bagyo at pumasok sa bansa.
Ang nasabing LPA ay nasa level ngayon ng Bicol region at sa weekend pa nakatakdang pumasok ng PAR.
Papangalanan itong “Ferdie” sa sandaling pumasok ng bansa.
Hindi naman ito inaasahang tatami sa kalupaan.