Isyu sa South China Sea, inungkat ni Obama sa ASEAN

obama asean 2016Bago matapos ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Laos, hindi na naiwasang maungkat at matalakay ang usapin sa teritoryo sa South China Sea.

Mismong si US President Barack Obama ang naglagay nito sa sentro ng agenda sa summit kahapon nang mabatid na karamihan sa mga nasa pagpupulong ay hindi gaanong sang-ayon sa ginagawa nitong territorial expansion.

Sa kaniyang opening remarks, tiniyak ni Obama na sa mga leaders ng ASEAN na patuloy na pagtutulungan ng samahan na maresolbahan ang mga problema sa mapayapang paraan, kabilang na ang isyu sa teritoryo sa South China Sea.

Sinabi rin ni Obama na ang inilabas na ruling ng international arbitration noong July 12 na pumabor sa Pilipinas laban sa China ay “binding” at dapat na gamitin para makatulong na linawin ang maritime rights sa rehiyon.

Sa pagsasara ng summit, naglabas ang ASEAN ng joint statement na nagbibigay ng malumanay na pangaral sa mga expansion activities ng China sa South China Sea.

Muli naman ding inungkat ni Obama ang ilang beses nang paghahayag ng Amerika ng pagkabahala sa mga hakbang ng China sa rehiyon.

Kaugnay sa ruling ng arbitral court, sinabi ni Obama na batid niyang magdudulot ito ng tensyon, pero inaasahan niyang mapag-uusapan ang isyung ito nang sama-sama, kasabay ng pagsusulong ng diplomasya at regional stability.

Read more...