Pagmumura ni Duterte, deadma lang kay Obama

REUTERS/Jorge Silva
REUTERS/Jorge Silva

Hindi pinipersonal ni US President Barack Obama ang pagmumura ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Joint Leaders’ Regional Comprehensive Economic Partnership sa Laos, sinabi ni Obama na nagkamayan pa sila ni Duterte sa pagkikita nila bago ang gala dinner, subalit hindi naman nagtagal ang kanilang pag uusap.

Tanggap na ni Obama ang pagiging pala-mura ni Duterte dahil kung tutuusin hindi rin nakaligtas sa pagmumura ng pangulo si Pope Francis.

Ayon pa kay Obama, mistulang habit na ni Duterte ang pagmumura.

Giit pa niya, naka-move on na siya at kinakailangan na ipagpatuloy ng Amerika ang pakikipag ugnayan sa Pilipinas lalo na sa usapin ng narco-trafficking na seryosng problema ng dalawang bansa at iba pang bahagi ng mundo.

Tiniyak pa ni Obama na naayon sa international norms ang partnership ng Pilipinas at Amerika at masusunod ang rule of law.

Kahit aniya na maging madugo ang kampanya sa ilegal na droga o anti-terrorism, kinakailangan na masigurong masusunod ang tamang pamamaraan dahil tiyak na mayroon itong consequences kung idadaan sa madaliang diskarte.

Read more...